OFFICERS FOR 2010

President - Manny Caling : Vice President - Jimmy Piano : Secretary - Job Rey Catunggal : Treasurer - Jojo Florentino : Auditor - Mrs. Rosemarie Lazo : Business Manager - Edward Umali : P.R.O. - Ms. Donna Serrano : Club Trainor/Coordinator - Mr. Louie Borjal

Tuesday, September 15, 2009

AUSTRALIAN DOUBLES

Ano ang Australian doubles? Ang Australian doubles ay isang klaseng laro sa tennis ito ay may pagkakaiba sa doubles o pares na may 4 na players, samantala ang australian doubles ay pwedeng laruin lamang ng 3 players. Ito ay 1 vs. 2 o ang isa ay kalaban ng dalawa at ito ay paikot-ikot at palitan lang ang magservice pagkatapos manalo o matalo ang single player ay maglalaro uli sa double player at ang nasa kaliwang player ay maglalaro naman sa single player na siya naman ang magseserbis, ang laging nasa serbisyo ay ang single at ang reciever ay dalawang players. Ang single player ay pwedeng paluin at dalhin ang bola papunta sa court para ng pang-doubles at pang-single, samantala ang dalawang players naman pwedeng paluin ang bola pabalik sa single court lang, may advantage ang single player kahit saan ay pwedeng ibalik ang bola para sa double court at single court pero may disadvantage naman dahil ang dalawang players na kalaban niya yon lang ay sa single court lang nila pwedeng paluin at dalhin ang bola. Ang malaking pagkakaiba sa ordinary doubles ang larong australian doubles ay kung matalo ang single player na siyang nagseserbis at panalo ang dalawang players ay walang makaka-score para sa set o hindi uusad ang score, uusad lamang ang score kung mananalo ang single player, at kadalasan ang set score sa australian doubles ay hanggang 6 lang ito mahabang laro na ito, depende kung anong usapan kung anong mapagkasunduan para sa sets score. Ang unang makakarating sa score na napagkasunduan, halimbawa hanggang set 6 ay yon ang panalo. Gaya ng larong doubles, ang australian doubles ang ginagamit na score ay 1-40 para mabuo ang isang set score.

Kadalasan kung kulang ang tennis player halimbawa kung 3 lang pwedeng pwede pa rin maglaro at mag-enjoy sa larong Australian Doubles. Narito naman ang resulta ng laro namin sa australian doubles.

September 14, 2009:
Paolo - 6 (Winner)
Jojo - 4
Abet - 2

September 16, 2009:
Jojo - 6 (Winner)
Jimmy - 4
Manny - 3

No comments:

Post a Comment