OFFICERS FOR 2010

President - Manny Caling : Vice President - Jimmy Piano : Secretary - Job Rey Catunggal : Treasurer - Jojo Florentino : Auditor - Mrs. Rosemarie Lazo : Business Manager - Edward Umali : P.R.O. - Ms. Donna Serrano : Club Trainor/Coordinator - Mr. Louie Borjal

Friday, September 18, 2009

Reqular Games.

September 18, 2009 - Afternoon just a regular games, here are the results of games, and some video clip and photos during the games.

1st game - Jojo and Abet 6, Paolo and Manny 4.
2nd game - Jimmy and Paolo 5, Jojo and Abet 5 (Barangay/Tabla)
3rd game - Manny and Paolo vs. Jimmy and Abet (Manny and Paolo win)
4th game - Jojo and Jimmy 1, Manny and Paolo 8 (pagod at gutom na he he!)

I-align sa Gitna
Manny
Jimmy
Paolo
Jojo
Paolo and Manny (pinalo at binalik ang bola)
Paolo and Manny
Jimmy and Abet (Nagseserbis)

Thursday, September 17, 2009

PUNDING ILAW NG TENNIS, NAPALITAN AT NAIKABIT NA!

Tatlong buwan din tayong nagtiis na hindi kumpleto ang ilaw dahil ang isang bulb ay pundido kaya ang gumaganang ilaw ay lima (5) lang sa anim (6) na ilaw, kaya kung tayo'y naglalaro sa gabi ay hindi pantay ang liwanag lalo na sa may dakong hilagang silangan (northeast portion) ng tennis court. Dahil dito ay pursigido kaming nagpunta sa Ace Hardware para ma-check kung ano ang depekto sa isa nating ilaw, at nalaman natin doon na depektibo ang bulb kayat agad tayong bumili ng kapalit ng pundidong bulb na nagkakahalaga ng P669.75 (each/isang bulb).

Sa araw na ito September 17, 2009 umaga muling ikinabit namin ang ilaw at nagpapasalamat tayo kay Manny Caling dahil siya lahat ang bahala sa mga kagamitan tulad ng hagdan, wrenches, pliers etc. at bukod doon siya at ako ang naging masigasig na nagtrabaho para lang maibalik yong napunding ilaw, kahit dalawa lang kaming nagtrabaho ay naging matagumpay ang trabaho namin at muling gumana ang isang ilaw na ubod ng liwanag, ito ay good news sa mga manlalaro ng tennis at wala ng aangal pa sa maglalaro sa gabi dahil maliwanag na uli ang ilaw ng ating tennis court.

At siyempre huwag natin kalilimutan na magpasalamat sa mga nag-donate para maayos ulit ang ating ilaw, sila ang nag-donate:

1. Abet Pena - 300
2. Louie Borjal - 200
3. Lawrence (Federer) Eleccion - 100
4. Manny Caling - 100
Kabuan ay === P600

Narito naman ang nagamit para maayos ang ilaw:
1. Bulb - P669.75
2. Vulca Seal - 94.75
3. Electrical Tape - 26.70
Kabuan ay === P791.2

Nakapag-donate din ng bagong Kandado (Lock) si Jimmy Piano (PHTC-Secretary) para sa ating gate, nagpapasalamat din tayo sa kanya.
Manny Caling (PHTC-Board of Director) kasama kung nagkabit ng ilaw at nag-donate ng P100 para sa ilaw.
Si Manny habang kami ay naglalagay ng electrical tape para maikabit ang ilaw.
Ito na yong ilaw na naikabit namin nasa 400 watts ang liwanag niya.
Ito yong ilaw na pinalitan ng bagong bombilya maliwanag na (400 Watts) Brand: Akari
Federer on the left (nag-donate ng P100 para sa ilaw), si Jojo sa gitna kasamahan ni Manny na nagtrabaho para maibalik yong ilaw.
Abet Pena (PHTC Board of Director) nakapag-donate ng P300 para sa ilaw.
Pastor/Sir Louie(PHTC-Board of Director) Nakapagdonate din ng P200 para maayos ang ilaw.
Jimmy Piano (PHTC-Secretary) nag-donate ng bagong kandado (lock) para sa gate ng PHTC.

Tuesday, September 15, 2009

AUSTRALIAN DOUBLES

Ano ang Australian doubles? Ang Australian doubles ay isang klaseng laro sa tennis ito ay may pagkakaiba sa doubles o pares na may 4 na players, samantala ang australian doubles ay pwedeng laruin lamang ng 3 players. Ito ay 1 vs. 2 o ang isa ay kalaban ng dalawa at ito ay paikot-ikot at palitan lang ang magservice pagkatapos manalo o matalo ang single player ay maglalaro uli sa double player at ang nasa kaliwang player ay maglalaro naman sa single player na siya naman ang magseserbis, ang laging nasa serbisyo ay ang single at ang reciever ay dalawang players. Ang single player ay pwedeng paluin at dalhin ang bola papunta sa court para ng pang-doubles at pang-single, samantala ang dalawang players naman pwedeng paluin ang bola pabalik sa single court lang, may advantage ang single player kahit saan ay pwedeng ibalik ang bola para sa double court at single court pero may disadvantage naman dahil ang dalawang players na kalaban niya yon lang ay sa single court lang nila pwedeng paluin at dalhin ang bola. Ang malaking pagkakaiba sa ordinary doubles ang larong australian doubles ay kung matalo ang single player na siyang nagseserbis at panalo ang dalawang players ay walang makaka-score para sa set o hindi uusad ang score, uusad lamang ang score kung mananalo ang single player, at kadalasan ang set score sa australian doubles ay hanggang 6 lang ito mahabang laro na ito, depende kung anong usapan kung anong mapagkasunduan para sa sets score. Ang unang makakarating sa score na napagkasunduan, halimbawa hanggang set 6 ay yon ang panalo. Gaya ng larong doubles, ang australian doubles ang ginagamit na score ay 1-40 para mabuo ang isang set score.

Kadalasan kung kulang ang tennis player halimbawa kung 3 lang pwedeng pwede pa rin maglaro at mag-enjoy sa larong Australian Doubles. Narito naman ang resulta ng laro namin sa australian doubles.

September 14, 2009:
Paolo - 6 (Winner)
Jojo - 4
Abet - 2

September 16, 2009:
Jojo - 6 (Winner)
Jimmy - 4
Manny - 3

Thursday, September 10, 2009

MGA LARO PAGKATAPOS NG ISANG LINGGONG ULAN.

Dumaan na ang dalawang low pressures isa sa South China sea at isa Pacific Ocean. Ang low pressure sa may south china ang nagpaulan ng matindi sa bandang western luzon kasama na ang metro manila na siyang nagpabaha sa Zambales kasama na ang Botolan at Subic at ilang bayan sa Pampanga, tarlac at ang mga mabababang lugar sa metro manila, at nagpa landslide din sa mga highways sa Nueva Ecija dahilan para naantala ang mga biahero papunta at palabas ng metro manila. Dahilan sa dalawang low pressures na ito ang nagpaulan ng ilang araw mula September 2 hanggang September 9 isang linggo din kaming hindi nakapaglaro ng Tennis. At least ngayong September 10, 2009 araw ng huwebes ay binigyan kami ng pagkakataon ng panahon, bagamat makulimlim pero wala na yong ulan at least nakapaglaro na kami sa araw na ito kahit mediyo basa ang court ay pinagtiyagaan namin na pinatuyo at narito ang resulta ng mga laro namin sa doubles.

1st game: Jojo at Abet Gurne 8 - Paolo at Abet Pena 6
2nd game: Paolo at Abet Pena 8 - Abet Gurne at Jaypee 3
3rd game: Paolo at Abet Gurne 8 - Jojo at Abet Pena 2

Sunday, September 6, 2009

PHTC POSIBLE KAYANG MALAGYAN NG COVER PARA SA COURT AT CLUB HOUSE?

Isa sa mga pinaka maugong na balita ay ang posibleng pagkakaroon ng covered court ng Palmera Homes Tennis Club (PHTC) sa taon na ito. Totoo kaya ito? Ayon sa ating source sa balitang ito galing kay Mr. Manny Caling isa sa mga Board of Directors ng PHTC ay maaring malagyan na ng Covered ang ating Tennis Court. Kung sabagay ay malapit na ang 2010 Election pagkakataon na ng mga pulitiko na magpabango sa kanilang constituents sa pamamagitan ng kanilang pagpapatayo tulad ng pagpapagawa nila ng mga covered courts, sige lang ituloy niyo ang balak niyong ito ng sa ganon ay mapakinabangan naman namin ang mga buwis na kinakaltas ng gobiyerno sa atin, dapat lang na ibalik niyo ang mga buwis na kinakaltas niyo sa amin sa pamamagitan ng pagpapatayo niyo ng mga covered courts tulad ng paglalagay niyo ng cover para sa tennis court ng PHTC. Salamat naman kung matupad ang pagkakaroon ng covered ang PHTC tiyak na marami ang masisiyahang members at dadami rin ang interesadong maglalaro ng tennis sa palmera homes subd. at pati na rin ang mga taga labas ng palmera ay welcome na maglaro sa PHTC. Isa kasing malaking advantage pag may covered na ang PHTC maari ng maglaro kahit maaraw hindi na masusunog ang balat, kahit umulan o bumagyo pwede nang maglaro,Okey ba yon? he he! Wish lang natin.....

Isa rin sa mga project ng PHTC ay ang pagpapatayo ng Club House, ayon pa rin sa ating mapagkakatiwalaang source galing kay Mr. Manny Caling ang bakanteng lote sa tabi ng tennis court ay legal ng pagmemayari ng Palmera Homes Owners Association, kayat boung galak na sinabi ni Mr. Manny Caling na puwede ng tayuan ng Club House ang silangang bahagi ng tennis court. Ito ay isang magandang balita para sa mga Officers at members ng PHTC.

Mr. Manny Caling, is sa mga Board of Director ng PHTC, Sports Committee ng Palmera Homes. Pinanggalingan ng source ang mga katanungan sa itaas.