OFFICERS FOR 2010

President - Manny Caling : Vice President - Jimmy Piano : Secretary - Job Rey Catunggal : Treasurer - Jojo Florentino : Auditor - Mrs. Rosemarie Lazo : Business Manager - Edward Umali : P.R.O. - Ms. Donna Serrano : Club Trainor/Coordinator - Mr. Louie Borjal

Monday, December 21, 2009

NEW OFFICERS FOR 2010

PALMERA HOMES TENNIS CLUB - QUEZON CITY

NEW OFFICERS FOR 2010

President - Manny Caling
Vice President - Jimmy Piano
Secretary - Job Rey Catunggal
Treasurer - Jojo Florentino
Auditor - Mrs. Rosemarie Lazo
Business Manager - Edward Umali
P.R.O. - Ms. Donna Serrano
Club Trainor - Mr. Louie Borjal


Board of Directors:

Gilbert Manantan
Boy Catunggal
Dante Rivera
Abet Pena
Aveth Gurne
Dr. Henry Lazo
Engr. Benny Conti
Engr. Bal Ello
Mon Serrano
Engr. Alejandro Bucad
Bobby Pagayon
Victor Nulod

Consultants:
Judge Erenio Cedillo
Engr. Ed Fernandez
Atty. Dong Saraos
Atty. Mar Bactin
Col. Jolly Dizon

Members:
Aresh Saharkish
Paolo Alcantara
Dondon Reccio
Bong Ello
JP Ello
Miss Anna Mae Pena
Miss Irish Pena
Miss Irene Pena
Miss Kimm Manantan
Miss P. J.
Miss Mahinhin
Marc Consumo
Emman Borjal
Gabby Borjal
Jun Robles
Army Saharkish
Philip Bonoan
Eric Martinez
Albert Bacat
Lawrence Eleccion
Emil 'Lakay' Torribio

HERE ARE THE PICTURES OF THE NEW OFFICERS, AND GOOD LUCK FOR MANNY CALING ADMINISTRATION!

Manny Caling - PHTC President

Jimmy Piano - PHTC Vice President

Jobrey Catunggal - PHTC Secretary

Jojo Florentino - PHTC Treasurer

Edward Umali - PHTC Business Manager

Donna Serrano - PHTC P.R.O.

Louie Borjal - PHTC Club Trainor

Friday, December 18, 2009

RP PANG 5TH SA SEA GAMES LAOS

Share ko naman sa inyo ang resulta ng 25th SEA Games sa Laos, at least nahabol ng RP ang Singapore dati kasi noong umpisa pa lang ng SEA Games ay nasa 6th spot ang RP at the end ay umangat ang RP from 6th to 5th place. At least nakapag-ambag ng 2 Golds 3 Silvers at 5 Bronze ang Tennis courtesy of Mamiit sa singles All-Filipino sa Finals at 1 gold medal din sa doubles.

Dec. 18, 2009 - Last Day of Competition

Final Standings: Medal Tally

Country -------- Gold --------- Silver ------- Bronze
1. Thailand ---------86 ------------ 83 ----------- 97
2. Vietnam --------- 83 ------------75 ----------- 57
3. Indonesia ------- 43 ------------ 53 ------------74
4. Malaysia -------- 40 ------------ 40 ------------59
5. Philippines -------38 -------------35 ------------51
6. Singapore ------- 33 ------------ 30 ----------- 35
7. Laos ------------ 33 -------------25 ------------52
8. Myanmar ---------12 ------------ 22 ----------- 37
9. Cambodia -------- 3 -------------10 ------------27
10. Brunei ---------- 1 --------------1 ------------ 8
11. Timor Leste ----- 0 ------------- 0 ------------ 3

Narito naman ang source kung saan nanggaling ang medals na napanalunan ng RP.

Philippines Gold Silver Bronze Total

Thursday, October 29, 2009

Mid Week Games.

At least simula noong nabaha ang Palmera Homes kasama na ang PHTC noong September 26, 2009, isang linggo lang ang nakakaraan ay muling nanumbalik ang larong tennis sa PHTC, salamat naman sa mga aktibong members ng PHTC tulad nila Manny Caling, Jojo Florentino, Abet Gurne, Lawrence Elleccion, Aresh Saharkish, Louie Borjal, Albert Bacat minsan din si JP Ello.

Narito ang resulta ng larong doubles sa araw na ito.

Doubles:
Jojo/Manny 8, Federer/Abet 4.
Manny/Abet 8, Jojo/Federer 2.

Singles:
Aresh 8, Jojo 2.
After the game, Federer, Abet at Jojo
Abet, Federer at Manny

Jojo tiyaga na lang muna sa N-Tour wilson racket, sinalanta kasi tayo sa baha he he!
Lawrence Elleccion A.K.A. Federer one of the most resourceful member of PHTC with his new Wilson Racket. K Tour.
Ito ang bagong racket ni Lawrence 'Federer' elleccion 'K Tour', ang dati niyang racket ay K factor pero sa ngayon ito ang kanyang ginagamit, 'yan si federer updated sa mga bagong rackets ng wilson, lahat ng ginagamit ni roger federer sa tennis mula sa rubber shoes, t-shirs, shorts, wristband, headband at iba pa ay gamit din niya he he! yan si federer ng PHTC.

Saturday, October 24, 2009

ANG PHTC PAGKATAPOS NG BAHA.

Noong September 26, 2009 ang PHTC ay kasamang nabaha dahil sa biglang paglaki at pag-apaw ng tubig galing creek dahilan para mabaha ang boung phase 5, phase 3, phase 4 at phase 2 ng palmera homes, at iba pang karatig na subdivision tulad ng sss, north fairview, sta. lucia at lahat ng lugar na malapit sa mga creek ang dahilan ay ang walang tigil na pagulan sa araw na iyon dahil kay typhoon undoy ang sabi ng PAGASA ang isang buwan na dapat na iulan ay inulan lamang sa loob ng 9 na oras sa araw na iyon at dahilan para magpakawala ng tubig ang la mesa dam isa malaking dahilan para umapaw ang creek malapit sa palmera homes, maraming nagsasabi kung ulan lang ay hindi aapaw ng ganong kalaki ang tubig, although sinasabi nila na 80 percent ng metro manila ay nalubog ng baha dahil sa malakas ulan na dala ni typhoon undoy, hindi lang sa quezon city ang binaha ang marikina, san mateo, cainta, maynila, makati halos lahat ng parte ng metro manila ay binaha. Ilan sa mga ka member natin sa PHTC ang binaha ang mga bahay nila Boy Catunggal, Jimmy Piano, Abet Pena, Jojo Florentino, Philip Bonoan at Benny Conti. Salamat naman sa ngayon nalampasan na namin at unti unting naging normal na ulit ang situation sa palmera at sa ngayon ay tuloy tuloy na ang laro ng tennis sa PHTC. Narito ang mga nakuha kung larawan noong kasagsagan ng baha sa palmera homes Quezon City.




Nagkapatong patong na sasakyan na inanod noong kasagsagan ng baha ito'y kuha sa Fernandez St. ng Phase 5, ng Palmera Homes.

Friday, September 18, 2009

Reqular Games.

September 18, 2009 - Afternoon just a regular games, here are the results of games, and some video clip and photos during the games.

1st game - Jojo and Abet 6, Paolo and Manny 4.
2nd game - Jimmy and Paolo 5, Jojo and Abet 5 (Barangay/Tabla)
3rd game - Manny and Paolo vs. Jimmy and Abet (Manny and Paolo win)
4th game - Jojo and Jimmy 1, Manny and Paolo 8 (pagod at gutom na he he!)

I-align sa Gitna
Manny
Jimmy
Paolo
Jojo
Paolo and Manny (pinalo at binalik ang bola)
Paolo and Manny
Jimmy and Abet (Nagseserbis)

Thursday, September 17, 2009

PUNDING ILAW NG TENNIS, NAPALITAN AT NAIKABIT NA!

Tatlong buwan din tayong nagtiis na hindi kumpleto ang ilaw dahil ang isang bulb ay pundido kaya ang gumaganang ilaw ay lima (5) lang sa anim (6) na ilaw, kaya kung tayo'y naglalaro sa gabi ay hindi pantay ang liwanag lalo na sa may dakong hilagang silangan (northeast portion) ng tennis court. Dahil dito ay pursigido kaming nagpunta sa Ace Hardware para ma-check kung ano ang depekto sa isa nating ilaw, at nalaman natin doon na depektibo ang bulb kayat agad tayong bumili ng kapalit ng pundidong bulb na nagkakahalaga ng P669.75 (each/isang bulb).

Sa araw na ito September 17, 2009 umaga muling ikinabit namin ang ilaw at nagpapasalamat tayo kay Manny Caling dahil siya lahat ang bahala sa mga kagamitan tulad ng hagdan, wrenches, pliers etc. at bukod doon siya at ako ang naging masigasig na nagtrabaho para lang maibalik yong napunding ilaw, kahit dalawa lang kaming nagtrabaho ay naging matagumpay ang trabaho namin at muling gumana ang isang ilaw na ubod ng liwanag, ito ay good news sa mga manlalaro ng tennis at wala ng aangal pa sa maglalaro sa gabi dahil maliwanag na uli ang ilaw ng ating tennis court.

At siyempre huwag natin kalilimutan na magpasalamat sa mga nag-donate para maayos ulit ang ating ilaw, sila ang nag-donate:

1. Abet Pena - 300
2. Louie Borjal - 200
3. Lawrence (Federer) Eleccion - 100
4. Manny Caling - 100
Kabuan ay === P600

Narito naman ang nagamit para maayos ang ilaw:
1. Bulb - P669.75
2. Vulca Seal - 94.75
3. Electrical Tape - 26.70
Kabuan ay === P791.2

Nakapag-donate din ng bagong Kandado (Lock) si Jimmy Piano (PHTC-Secretary) para sa ating gate, nagpapasalamat din tayo sa kanya.
Manny Caling (PHTC-Board of Director) kasama kung nagkabit ng ilaw at nag-donate ng P100 para sa ilaw.
Si Manny habang kami ay naglalagay ng electrical tape para maikabit ang ilaw.
Ito na yong ilaw na naikabit namin nasa 400 watts ang liwanag niya.
Ito yong ilaw na pinalitan ng bagong bombilya maliwanag na (400 Watts) Brand: Akari
Federer on the left (nag-donate ng P100 para sa ilaw), si Jojo sa gitna kasamahan ni Manny na nagtrabaho para maibalik yong ilaw.
Abet Pena (PHTC Board of Director) nakapag-donate ng P300 para sa ilaw.
Pastor/Sir Louie(PHTC-Board of Director) Nakapagdonate din ng P200 para maayos ang ilaw.
Jimmy Piano (PHTC-Secretary) nag-donate ng bagong kandado (lock) para sa gate ng PHTC.

Tuesday, September 15, 2009

AUSTRALIAN DOUBLES

Ano ang Australian doubles? Ang Australian doubles ay isang klaseng laro sa tennis ito ay may pagkakaiba sa doubles o pares na may 4 na players, samantala ang australian doubles ay pwedeng laruin lamang ng 3 players. Ito ay 1 vs. 2 o ang isa ay kalaban ng dalawa at ito ay paikot-ikot at palitan lang ang magservice pagkatapos manalo o matalo ang single player ay maglalaro uli sa double player at ang nasa kaliwang player ay maglalaro naman sa single player na siya naman ang magseserbis, ang laging nasa serbisyo ay ang single at ang reciever ay dalawang players. Ang single player ay pwedeng paluin at dalhin ang bola papunta sa court para ng pang-doubles at pang-single, samantala ang dalawang players naman pwedeng paluin ang bola pabalik sa single court lang, may advantage ang single player kahit saan ay pwedeng ibalik ang bola para sa double court at single court pero may disadvantage naman dahil ang dalawang players na kalaban niya yon lang ay sa single court lang nila pwedeng paluin at dalhin ang bola. Ang malaking pagkakaiba sa ordinary doubles ang larong australian doubles ay kung matalo ang single player na siyang nagseserbis at panalo ang dalawang players ay walang makaka-score para sa set o hindi uusad ang score, uusad lamang ang score kung mananalo ang single player, at kadalasan ang set score sa australian doubles ay hanggang 6 lang ito mahabang laro na ito, depende kung anong usapan kung anong mapagkasunduan para sa sets score. Ang unang makakarating sa score na napagkasunduan, halimbawa hanggang set 6 ay yon ang panalo. Gaya ng larong doubles, ang australian doubles ang ginagamit na score ay 1-40 para mabuo ang isang set score.

Kadalasan kung kulang ang tennis player halimbawa kung 3 lang pwedeng pwede pa rin maglaro at mag-enjoy sa larong Australian Doubles. Narito naman ang resulta ng laro namin sa australian doubles.

September 14, 2009:
Paolo - 6 (Winner)
Jojo - 4
Abet - 2

September 16, 2009:
Jojo - 6 (Winner)
Jimmy - 4
Manny - 3

Thursday, September 10, 2009

MGA LARO PAGKATAPOS NG ISANG LINGGONG ULAN.

Dumaan na ang dalawang low pressures isa sa South China sea at isa Pacific Ocean. Ang low pressure sa may south china ang nagpaulan ng matindi sa bandang western luzon kasama na ang metro manila na siyang nagpabaha sa Zambales kasama na ang Botolan at Subic at ilang bayan sa Pampanga, tarlac at ang mga mabababang lugar sa metro manila, at nagpa landslide din sa mga highways sa Nueva Ecija dahilan para naantala ang mga biahero papunta at palabas ng metro manila. Dahilan sa dalawang low pressures na ito ang nagpaulan ng ilang araw mula September 2 hanggang September 9 isang linggo din kaming hindi nakapaglaro ng Tennis. At least ngayong September 10, 2009 araw ng huwebes ay binigyan kami ng pagkakataon ng panahon, bagamat makulimlim pero wala na yong ulan at least nakapaglaro na kami sa araw na ito kahit mediyo basa ang court ay pinagtiyagaan namin na pinatuyo at narito ang resulta ng mga laro namin sa doubles.

1st game: Jojo at Abet Gurne 8 - Paolo at Abet Pena 6
2nd game: Paolo at Abet Pena 8 - Abet Gurne at Jaypee 3
3rd game: Paolo at Abet Gurne 8 - Jojo at Abet Pena 2

Sunday, September 6, 2009

PHTC POSIBLE KAYANG MALAGYAN NG COVER PARA SA COURT AT CLUB HOUSE?

Isa sa mga pinaka maugong na balita ay ang posibleng pagkakaroon ng covered court ng Palmera Homes Tennis Club (PHTC) sa taon na ito. Totoo kaya ito? Ayon sa ating source sa balitang ito galing kay Mr. Manny Caling isa sa mga Board of Directors ng PHTC ay maaring malagyan na ng Covered ang ating Tennis Court. Kung sabagay ay malapit na ang 2010 Election pagkakataon na ng mga pulitiko na magpabango sa kanilang constituents sa pamamagitan ng kanilang pagpapatayo tulad ng pagpapagawa nila ng mga covered courts, sige lang ituloy niyo ang balak niyong ito ng sa ganon ay mapakinabangan naman namin ang mga buwis na kinakaltas ng gobiyerno sa atin, dapat lang na ibalik niyo ang mga buwis na kinakaltas niyo sa amin sa pamamagitan ng pagpapatayo niyo ng mga covered courts tulad ng paglalagay niyo ng cover para sa tennis court ng PHTC. Salamat naman kung matupad ang pagkakaroon ng covered ang PHTC tiyak na marami ang masisiyahang members at dadami rin ang interesadong maglalaro ng tennis sa palmera homes subd. at pati na rin ang mga taga labas ng palmera ay welcome na maglaro sa PHTC. Isa kasing malaking advantage pag may covered na ang PHTC maari ng maglaro kahit maaraw hindi na masusunog ang balat, kahit umulan o bumagyo pwede nang maglaro,Okey ba yon? he he! Wish lang natin.....

Isa rin sa mga project ng PHTC ay ang pagpapatayo ng Club House, ayon pa rin sa ating mapagkakatiwalaang source galing kay Mr. Manny Caling ang bakanteng lote sa tabi ng tennis court ay legal ng pagmemayari ng Palmera Homes Owners Association, kayat boung galak na sinabi ni Mr. Manny Caling na puwede ng tayuan ng Club House ang silangang bahagi ng tennis court. Ito ay isang magandang balita para sa mga Officers at members ng PHTC.

Mr. Manny Caling, is sa mga Board of Director ng PHTC, Sports Committee ng Palmera Homes. Pinanggalingan ng source ang mga katanungan sa itaas.

Monday, August 31, 2009

MGA LARO NAMIN WITH BOY CATUNGGAL

August 31, umaga. Pinagtiyagaan namin na nilinisan at pinatuyo ang tennis court dahil umulan pala ng madaling araw at nagpapasalamat tayo sa mag-amang boy at job kasama na si abet pena, manny caling at si jojo na matiyagang nagwalis at nagpatuyo sa flooring ng tennis court upang makalaro ng maayos. At sa awa ng Diyos napatuyo namin ng maayos. Narito ang mga resulta ng mga laro namin sa doubles.

Jojo at Manny 8 - Boy at Job - 2
Paolo at Pam 6 - Job at Kim 2
Boy at Manny 6 - Abet at Jimmy 8
Jojo at Job 3 - Paolo at Dante 8
Manny at Pam 6 - Jimmy at Kim 3
Dante at Jojo 6 - Boy at Abet 8

Jimmy. Abet 8- Manny at Boy C. 6


Jimmy and Abet
Boy Sebisyo!
Manny, abet, boy at Jimmy
Job and Kim
Paolo and Pam

MGA LARO NAMIN WITH BOY CATUNGGAL

August 30 hapon. At least nagkaroon uli kami ng pagkakataon na makalaro si Sir Boy sa doubles, at kanyang partner ay si Jimmy. At ang kanilang katunggali ay si Jojo at albert. Sa unang laro namin ay naging mahigpitan ang laro kasi sa tie break pa nagkaaalaman ang score ay 8-7 ang panalo ay sila Boy at Jimmy. Pangalawang laro ay panalo ulit sir boy at jimmy sa score na 6-3.






Albert, Boy C., Jimmy at Jojo pagkatapos ng laro



Boy Catunggal isa sa mga pinaka aktibong member ng PHTC, pero dahil naka based sa singapore dahil sa kanyang trabaho ay bibihira namin na makalaro, pero ngayon ay muli namin siya nakalaro dahil kanyang working visit sa Pilipinas.

Monday, June 22, 2009

VIDEOS DURING THE CHAMPIONSHIP - ARESH VS. EDWARD

Here some video clips during Championship Game PHTC Single Tennis Tournament June 20, 2009. Edward and Aresh.




Saturday, June 20, 2009

AND THE CHAMPION IS ARESH!!!!

At last nakumpleto at natapos na rin ang singles tennis tournament ng PHTC na sinimulan pa noong April (masiyadong naa-antala dahil sa madalas na paguulan) at nangyari na ang pinakaka-abangan ang Championship Game nila Aresh at Edward. Si Aresh ay may kumportableng twice to beat advantage dahil na sweep niya lahat ang kanyang mga nakalaban mula elimination round hanggang finals 4-0 kaya siya nabigyan ng twice to beat samantala ang kanyang makakalaban na si Edward ay may kartadang 4-1 nagkaroon ng isang talo si Edward na si Aresh pa rin ang nakatalo, ganon pa man bago niya makamit na makalaban si Aresh sa Championship ay nagkaroon muna ng labanan between Alvin at Louie at natalo naman si Louie 8-6 tapos sa panalo ni Alvin nilabanan naman ni Alvin si Jojo ang score ay 8-6 din dahil sa pagkapanalo ni Alvin kay Jojo si alvin ang may karapatan na lumaban kay Edward at nangyari nga labanan nila na dito natalo si Alvin kay Edward 8-5, kaya siya ang may karapatang lumaban kay Aresh sa finals.

Ang first game ay nakuha ni Edward mula sa tie break 7-all (7-3) ang naging score nila ay 8-7 panalo si Edward, dahil twice to beat si Aresh kailangan manalo ng dalawa si Edward bago niya makuha ang Champion. Ang 2nd game ay deciding game na dahil panalo si Edward ng first game 8-7, dito na nakita ang mga mabagsik na palo ni Aresh 2-0 agad pero nakuha pa rin ni Edward ang 3rd set 2-1 pero sadyang matigas na si Aresh mula 2-1 ay naipanalo niya ang 4 set 3-1 ang next set ay nakuha ni Edward 3-2, sumunod na set ay nakuha uli ni Aresh 4-2 naging 4-3 for Edward hanggang 5-3 favor pa rin ni Aresh, naging 5-4, next set ay nakuha ni Aresh 6-4, infairness matatag din si Edward naka-score pa rin siya 6-5 pero nakuha ng tuluyan ni Aresh ang next 2 sets final score ay 8-5, CONGRATULATION KAY ARESH FOR BEING A CHAMPION sa singles tennis tournament ng PHTC. Congrats na rin kay Edward a good challenger sa ating Champion.

Champion - Aresh Saharkhiz (Gold Medalist)
1st Runner-up - Edward Umali (Silver Medalist)
2nd Runner-up - Alvin (Bronze Medalist)
3rd Runner-up - Jojo Florentino
4th Runner-up - Louie Borjal

Pasalamatan na rin natin ang mga ibang participants ng tournament na ito sila:

Aveth Gurne, Bong Ello, Marc Consumo, Eric Martinez, Manny Caling, Albert Bacat, Emman Borjal, Gabby Borjal, JP Ello, Jimmy Piano, Paolo Alcantara at Ms. Donna Serrano (kaisa-isang babaeng sumali sa tournament) Special mention natin hindi mangyayari ang tennis tournament na ito kung wala siya, ang organizer walang iba kundi si Mr. Louie Borjal at siyempre ang nagdonate ng Medals at nagbigay ng 2 dozens of dunkin donuts walang iba kundi si Edward Umali at pati na rin yong compliments galing sa ating Champion na si Aresh, yong softdrinks at pancit at isang boteng brandy mula kay Abet Pena pasalamatan din natin, salamat sa inyong lahat sana ay may kasunod pa ang tournament na ito.

Edward serve.

Aresh papalo

Edward

Aresh

ARESH

















Jobo, Louie and Paolo (tabaching-ching he he)



Jobo, Jojo, bruce, Sir Louie and Paolo (the man to watch)

Jimmy P. and Abet P.

Mr. Manny Caling (board of director)

Abet Pena

Jimmy

Edward at Job (guwapo ng camera 20.0 mega pixel he he)

Manny Caling

Pareng Federer, Jojo, Paolo (the man to watch) Edward ( The Class-A)

Federer on the left he he he!

Ayos talaga si Champion inspired kay Pia (the lady in red sitting on the bench ayos!)

Start na ang game mr. umpire (who's the lady there its Pia ang siyotitay ng Champ)

Federer is watching. who's that little boy its bruce dillis.

The ball is back and forth (pati si bruce nanood ng championship)

Federer, Avet G., Jobo and Bruce.

Mr. umpire 'sir louie'

Aresh and Sweetie Pia

A Shaky after the game 'who's the champion?

Sir Louie recieving his 4th runner-up congrats!



Mula sa kaliwa Albert, Job, Aresh (The Champion), Manny, Jojo (3rd runner-up) Louie (4th runner-up), Avet G., Paolo, Abet at Edward (1st runner-up).



Ang porma ng Champion!

Aresh at ang kanyang Gold Medal

Shake hand by Manny C. Congratulation he he!

Proud talaga ang Champion

Edward 'The Silver Medalist'

Lawrence (Federer), Jojo, Paolo and Edward
Federer, Jojo at Paolo (The man to watch!)

Abet Service

Ito yong laro nila Manny, Abet G. vs. Jimmy and Abet bago ang final game ni Aresh at Edward

Paolo (the man to watch) Jobo, Edwardo (the class-A)

Paolo, Job, Jojo at Bruce (Son of Jojo)

Pics nila before the game Edward and Aresh