OFFICERS FOR 2010

President - Manny Caling : Vice President - Jimmy Piano : Secretary - Job Rey Catunggal : Treasurer - Jojo Florentino : Auditor - Mrs. Rosemarie Lazo : Business Manager - Edward Umali : P.R.O. - Ms. Donna Serrano : Club Trainor/Coordinator - Mr. Louie Borjal

Thursday, October 29, 2009

Mid Week Games.

At least simula noong nabaha ang Palmera Homes kasama na ang PHTC noong September 26, 2009, isang linggo lang ang nakakaraan ay muling nanumbalik ang larong tennis sa PHTC, salamat naman sa mga aktibong members ng PHTC tulad nila Manny Caling, Jojo Florentino, Abet Gurne, Lawrence Elleccion, Aresh Saharkish, Louie Borjal, Albert Bacat minsan din si JP Ello.

Narito ang resulta ng larong doubles sa araw na ito.

Doubles:
Jojo/Manny 8, Federer/Abet 4.
Manny/Abet 8, Jojo/Federer 2.

Singles:
Aresh 8, Jojo 2.
After the game, Federer, Abet at Jojo
Abet, Federer at Manny

Jojo tiyaga na lang muna sa N-Tour wilson racket, sinalanta kasi tayo sa baha he he!
Lawrence Elleccion A.K.A. Federer one of the most resourceful member of PHTC with his new Wilson Racket. K Tour.
Ito ang bagong racket ni Lawrence 'Federer' elleccion 'K Tour', ang dati niyang racket ay K factor pero sa ngayon ito ang kanyang ginagamit, 'yan si federer updated sa mga bagong rackets ng wilson, lahat ng ginagamit ni roger federer sa tennis mula sa rubber shoes, t-shirs, shorts, wristband, headband at iba pa ay gamit din niya he he! yan si federer ng PHTC.

Saturday, October 24, 2009

ANG PHTC PAGKATAPOS NG BAHA.

Noong September 26, 2009 ang PHTC ay kasamang nabaha dahil sa biglang paglaki at pag-apaw ng tubig galing creek dahilan para mabaha ang boung phase 5, phase 3, phase 4 at phase 2 ng palmera homes, at iba pang karatig na subdivision tulad ng sss, north fairview, sta. lucia at lahat ng lugar na malapit sa mga creek ang dahilan ay ang walang tigil na pagulan sa araw na iyon dahil kay typhoon undoy ang sabi ng PAGASA ang isang buwan na dapat na iulan ay inulan lamang sa loob ng 9 na oras sa araw na iyon at dahilan para magpakawala ng tubig ang la mesa dam isa malaking dahilan para umapaw ang creek malapit sa palmera homes, maraming nagsasabi kung ulan lang ay hindi aapaw ng ganong kalaki ang tubig, although sinasabi nila na 80 percent ng metro manila ay nalubog ng baha dahil sa malakas ulan na dala ni typhoon undoy, hindi lang sa quezon city ang binaha ang marikina, san mateo, cainta, maynila, makati halos lahat ng parte ng metro manila ay binaha. Ilan sa mga ka member natin sa PHTC ang binaha ang mga bahay nila Boy Catunggal, Jimmy Piano, Abet Pena, Jojo Florentino, Philip Bonoan at Benny Conti. Salamat naman sa ngayon nalampasan na namin at unti unting naging normal na ulit ang situation sa palmera at sa ngayon ay tuloy tuloy na ang laro ng tennis sa PHTC. Narito ang mga nakuha kung larawan noong kasagsagan ng baha sa palmera homes Quezon City.




Nagkapatong patong na sasakyan na inanod noong kasagsagan ng baha ito'y kuha sa Fernandez St. ng Phase 5, ng Palmera Homes.