Edward 8 - Marc 2
Jojo vs. Paolo (Jojo win by default)
Jimmy 8 - Donna 6
Eric 8 -Manny 4
Emman 8 - Gabby 4
Abet 8 - Albert 3
Louie 8 - Bong 5
Aresh 8 - JP 2
2nd Round:
Edward 8 - Jojo 4
Eric 8 - Jimmy 3
Alvin 9 - Abet 7
Aresh 8 - Louie 5
Donna vs. Paolo (Donna win by default)
Manny 8 - Gabby 5
Albert vs. Bong (both players are default)
Marc vs. JP (Marc win by default)
3rd Round:
Edward 8 - Eric 3
Aresh 8 - Alvin 1
Jojo 8 - Donna 0
Manny 8 - Jimmy 5
Abet vs. Bong (abet win by default)
Louie 8 Marc 3
4th Round:
Jojo 8 - Manny 3
Louie 5 - Abet 5
Jojo 8 - Eric 0 (walang patawad si jojo)
Aresh 8 - Edward 6 (Good Fight)
Louie vs. Alvin (a win by Louie or alvin means kakalabanin si Jojo, ang mananalo dito ay kakalabanin si Edward, kung sino ang mananalo dito ay siyang makakalaban ni Aresh sa Finals)
Si Aresh ay nakarating na sa Finals with 4 wins and no losses.
Standing ng mga nakarating sa 4th Round:
Win - Loss
Aresh 4 - 0 (Finalist)
Edward 3 - 1
Alvin 3 - 1

Shaked hand after the game Aresh 8, Edward 6 (good fight and nice game)






Aresh hawak na niya ang gold medal are you sure na mapupunta sa yo ang gold medal? he. he..








June 9, natuloy na ang laban nila Alvin at Louie na matagal din naantala dahil sa ulan, ang resulta ay Alvin 8 - Louie 6, naging maganda ang laban mula noong una palitan ng lamang may mga pagkakataon na lamang sa score si Louie bawat nagserserbisyo ay pumupuntos hanggang nakarating ng 6-all, dito na naka-break-away si Alvin lumamang na siya ng 7-6 dahil inabot na kapaguran si Louie ang final score ay 8-6 a win for Alvin. Anyway naging maganda ang laban sa kabuan dahil sa totoo lang ay lumaban naman ng husto si Louie dahil bandang huli na nagkaalaman, good game for both players especially kay Alvin dahil naging matatag ang laro niya hanggang sa huli. Dahil sa panalo ni alvin ay makakalaban niya si Jojo. Sa pagkatalo ni Sir Louie ay nakuha pa rin niya ang 4th runner-up, not bad, bawi na lang sa susunod na tournament.

Mr. umpire Edward Umali

Shake hand after the game Louie 6 - Alvin 8
June 10, 2009 Natuloy na po ang laban ni Jojo at Alvin, sa umpisa pa lang ay umarangkada na si alvin 2-0 na agad pero hindi naman nagpatinag si Jojo dahil humabol agad siya mula 0-2 ay nakahabol siya sa 2-all naging palitang ang lamang 3-2 agad si alvin pero naging 3-all dito na lumamang si jojo ng 4-3 agad na bumawi si alvin 4-all agad hanggang dumating sa 5-all unti-unting lumamang si alvin dahil sa mga ace serves ni alvin naging 7-5 hanggang sa humabol si jojo at dumikit ang score 6-7 lamang pa rin si alvin, naging exciting ang laban dahil umabot na sana na mag-tie na sa 7-7 ang score dahil sa advantage ng score ni jojo 40-15, pero unti unting humabol si alvin ay naka-deuce pa at ang sumunod points ay advantage uli si jojo pero naka-deuce uli si alvin at ang sumunod na 2 points ay tuluyan ng nakuha ni alvin ang final score is 8-6 a win for Alvin na naman. Dahil sa pagkatalo ni Jojo ay humantong na lamang siya sa 3rd runner-up hindi na masama. A good match anyway congrats kay Alvin. Para sa kaalaman ng lahat si Alvin ay certified Trainer at bukod diyan under licensed pa siya ng isang Tennis Trainer Association ng U.S. ayon na rin sa kanya sa ipinakita niyang I.D. (hindi ko alam eksato kung anong pangalan ng Organization nila) kaya pala hindi ko natalo he he!

June 11 - Ang laban ni Edward at alvin sa umpisa agad lumamang si alvin 3-0 dahil hindi pa nagiinit si edward at nararamdaman niya medyo sumasakit ang kanyang apendicitis pero hindi naman nagpabaya si edward ay nagumpisa na siyang umiscore 1-3 pero sadyang matibay si alvin naka-score uli siya 4-1 dahil medyo nabaon na si Edward. Dahil dito unti-unting bumalik ang kumpyansa ni edward mula sa 1-4 ay unti-unting nakapantay sa score na 4-all, dahil napakainit na ang laro ni edward gumana na ang kanyang malalakas na palo ang kanyang 2 hand bachand shots for the first time lumamang siya 5-4 hanggang naging 5-all, pero ang mga sumunod na sets ay tuluyan ng nakuha lahat ni Edward ang final score ay 8-5 a big win for Edward. Dahil dito si Edward ang may karapatan na lumaban kay Aresh for Championship. Dahil sa pagkatalo ni Alvin automatic na 2nd runner-up siya sa tournament.
Aresh and Edward during their game.